Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pass-on charges ‘wag ipataw ng Akelco sa consumers (Sa Boracay closure)
Pass-on charges ‘wag ipataw ng Akelco sa consumers (Sa Boracay closure)

Pass-on charges ‘wag ipataw ng Akelco sa consumers (Sa Boracay closure)

HINIKAYAT ni Senador Sherwin Gatchalian ang Aklan Electric Cooperative Inc. (Akelco) nitong Lunes na i-invoke ang “force majeure” upang hindi maipasa ang extra power charges sa consumers sa loob ng six-month closure ng Boracay islands simula ngayong linggo.

“Clearly, the complete closure of Boracay is an unforeseeable event completely beyond the control of AKELCO. This is definitely an instance when force majeure will apply,” pahayag ni Gatchalian, chairman ng Senate energy committee.

READ MORE:  2014 ng Senado puno ng pagsubok pero produktibo

Ang pagsasara ng restaurants, resorts, at iba pang commercial establishments sa Boracay Island sa loob ng panahon ng closure order ay hindi lamang magreresulta sa pagkawala ng trabaho kundi magpapababa rin sa demand sa koryente sa Akelco’s franchise area.

Noong 20 Abril, inilabas ng National Electrification Administration ang artikulo sa kanilang website, nagsasabing ang electricity consumption sa Boracay ay inaasahang bababa ng 84 porsiyento at ng 38 porsiyento sa overall load profile ng electric cooperative kapag ipinatupad na ang temporary shutdown sa isla.

READ MORE:  Mark Anthony tiklo sa damo (Positibo sa MJ, negatibo sa shabu)

Sinabi rin, ang Akelco ay naghahanap ng mga paraan at ginagawa ang lahat upang mapababa ang epekto nang pagsasara ng resort sa utility power rates sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon sa umiiral na bilateral contracts sa Independent Power Producers (IPPs).

READ MORE:  Trese 2 taon sex slave ng rapist-Dad

Sinabi ni Gatchalian, hindi makatuwiran na maging pabigat pa ito sa Visayan power consumers, na kasalukuyan nang nagdurusa sa high power rates kapag summer.

Aniya, upang mapigilan ang pagpapataw ng pass-on charges, ang Akelco ay dapat i-invoke ang force majeure provisions ng kanilang power supply agreements sa generation companies upang pansamantalang masuspende ang pagkuha ng hindi kailangang koryente habang nakasara ang Boracay.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved