Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / HOA auditor itinumba sa loob ng bahay
HOA auditor itinumba sa loob ng bahay

HOA auditor itinumba sa loob ng bahay

PINASOK sa bahay at pinagbabaril hanggang mapatay ang isang ginang na auditor ng isang homeowners association (HOA), ng hindi kilalang gunman sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District), ang biktimang si Maria Theresa Malaraya Paa, 57, residente sa Livelihood St., Area C, Talanay, Brgy. Batasan Hills, ng nabanggit na lungsod.

READ MORE:  Pagtakas ni Cho ipinabubusisi ni SoJ Caguioa

Sa imbestigasyon ni SPO2 Marvin Masankay ng CIDU-QCPD, dakong 7:00 pm nang pasukin ng suspek na armado ng baril ang bahay ng biktima saka pinagbabaril ang ginang.

READ MORE:  Duterte tanging pangulo na kumausap sa kaliwa

Ayon kay Leonila Malabanan, kapitbahay ng biktima, nanonood siya ng telebisyon nang makarinig nang sunod-sunod na putok ng baril mula sa bahay ng pamilyang Paa.

READ MORE:  Titser ginahasa pinatay, anak idinamay ng ‘kawatan’

Ani Malabanan, agad niyang tinungo ang bahay ng biktima at tumambad sa kanya ang bangkay ni Paa.

Hinala ng pulisya, may kinalaman sa pagiging auditor ng HOA ng biktima ang motibo sa krimen.  (ALMAR DANGUILAN)

 

 

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved