Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paolo, ikararangal ang masampal ng isang Maricel Soriano
Paolo, ikararangal ang masampal ng isang Maricel Soriano

Paolo, ikararangal ang masampal ng isang Maricel Soriano

AYON kay Paolo Ballesteros, malaking kara­ngalan ang masampal ni Maricel Soriano!

“If ever nga may sampalan na eksena, why not? Willing akong pasampal kay Maricel. Ang lakas kaya maka-proud na masampal ka ng isang Maricel Soriano ‘di ba?” Ito ang pahayag ni Paolo sa pagsasama nila ni Maricel sa pelikulang My 2 Mommies na Mother’s Day offering ng Regal Entertainment Incorporated na mapapanood sa May 9 na pinamahalaan ni Eric Quizon.

READ MORE:  Parade of Lights, matagumpay na naidaos ng mga taga-Tanauan

Na-starstruck si Paolo nang maka-eksena at makatrabaho ang original na Taray Queen at ayon ditto, napakahusay ni Maricel sa kanilang pelikula. ”Ang lakas makahawa ng husay ni Marya,” sambit ni Paolo.

READ MORE:  Ney, nagbabalik kasama ang bagong ka-grupo

Ginagampanan ni Paolo ang role ni Manu na tiyahin si Maricel, samantalang si Solenn Heussaff si Monique.”Ako rito si Manu, boyfriend ko si Joem Bascon. Tapos, kami ni Solenn, hindi ko alam na nagka-anak pala kami. Ginamit pala niya ang katawan ko at niyurakan niya ang aking pagkababae.”

Bukod kina Maricel, Solenn, at Paolo, kasama rin dito sina Joem, Dianne Medina, at Marcus Cabais.

READ MORE:  Michael, pangarap ding maging artista (Bukod sa pagiging singer)

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved