Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / NCR kampeon sa Palarong Pambansa (Sa ika-14 na taon)
NCR kampeon sa Palarong Pambansa (Sa ika-14 na taon)

NCR kampeon sa Palarong Pambansa (Sa ika-14 na taon)

SA ika-labing apat na sunod na taon, hari’t reyna pa rin ng palakasan ang National Capital Region.

Ito ay matapos ang isa na namang kampeonato sa 2018 Palarong Pambansa kamakalawa sa Vigan City, Ilocos Sur.

Nagkamal ng kabuuang 220 medalya ang Metro Manila upang manatiling siyang pinakamagaling na rehiyon kontra sa 16 pang ibang kaibal na rehiyon sa buong bansa.

Karamihan sa medayang nahakot ng NCR ay mula sa taekwondo, gymnastics at swimming upang makapag-kolekta ng ng eksatong 100 ginto, 70 pilak at 50 ginto.

READ MORE:  Kangaroo kakasa kay Mayweather Jr.

Mas marami ito kaysa sa 98-66-45 na medalyang hinakot nila noong nakaraang taon sa Antique.

Wala pang ibang hinihirang na kampeon bukod sa NCR simula noong 2005.

Tinuldukan ng Metro Manila ang kanilang paghahari sa ika-61 na edisyon ng Palaro sa pamamagitan ng twin kill sa secondary boys and secondary girls basketball noong Sabado sa San Juan Municipal Gym sa Ilocos Sur.

Sa pangunguna ng mga National University players na sina Terrence Fortea, Gerry Abadiano at Carl Tamayo, tinambakan ng NCR Stalwarts ang Davao Eagles, 100-80.

READ MORE:  Dalawang hinete nakantiyawan

Umiskor ang tatlo ng pinagsamang 66 puntos upang mapangalanan sa Mythical Five kasama sina Vince Cuajao ng Davao at Justin Sanchez ng CALABARZON.

Umeskapo rin ang NCR girls basketball team, 79-73 kontra sa Western Visayas upang makompleto ang overall championship ng rehiyon.

Samantala sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nagtapos sa ikalawa at ikatlong puwesto ang magkaribal na CALABARZON at Western Visayas.

READ MORE:  Gilas kikilatisin ang Lebanon

Nakalikom ng 55 na ginto, 50 pilak at 73 tanso na medalya ang CALABARZON habang nagtapos naman sa 46-45-55 ang Western Visayas.

Pasok din sa top five ang ikapaat na Central Visayas sa 26-25-36 na pagtatapos habang nasa ikalima ang Cordillera Administrative Region (CAR) sa naipong 25 ginto, 22 pilak at 23 medalya sa ginanap limang araw na kompetisyon para sa mga elementarya at sekondaryong mag-aaral sa pampublikong paaralan sa buong bansa.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved