Monday , November 17 2025
Chess

Mordido reyna sa chess (Palarong Pambansa)

VIGAN CITY – Nasilo  ni Woman Candidate Master Kylen Joy Mordido ng Region IV-A-STCAA ang gold medal matapos magreyna sa Secondary Girls Chess Standard sa katatapos na Palarong Pambansa 2018 na ginanap sa Baluarte Function Hall, Bgy Salinden, Ilocos Sur.

Nilista ni Mordido ang 6.5 puntos  matapos kalusin si Mary Joy Tan ng Misamis Oriental, (Region X) sa seventh at final round sapat para sungkitin ang ginto sa standard event.

Nakopo ni WNM Francois Marie Magpily ng NCR ang silver medal, kinaldag nito si CARAA bet Bea Mendoza para ilista ang six puntos.

May limang puntos si Mendoza kapareho ni Natori Biazza Diaz ng Region VI-WVRAA subalit nakopo ng una ang bronze medal matapos ipatupad ang tie-breaks.

Kinalawit naman ni Heart Padilla ng Region III-CLRAA ang ginto sa Elementary Girls Standard matapos irehistro ang anim na puntos.

Nakalikom din ng six points si Ruelle Canino ng Region X – NMRAA pero lumanding siya sa second place para sa silver medal habang bronze ang nahamig ni Aliyah Rae Lumangtad ng Region XI – DAVRAA, nakapagtala siya ng five points.

Naghari sa Secondary Boys Standard si Julius Gonzales, lumikom ng anim na puntos ang NCR star matapos itaob si Chris Aldritz Pondoyo ng Region VII sa event na ipinatupad ang seven round swiss system.

Nasilo ni top seed Daniel Quizon ng Region IV-A ang silver habang bronze si Jeremy Tanudra ng Region VII.

Si Mark Jay Bacojo ng Region IV-A ang komopo ng gold medal sa Elementary Boys Standard.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …