Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga kinoronahan at title holder sa Super Sireyna 2018 sa Eat Bulaga
Mga kinoronahan at title holder sa Super Sireyna 2018 sa Eat Bulaga

Mga kinoronahan at title holder sa Super Sireyna 2018 sa Eat Bulaga

NASA Broadway Studio kami noong Sabado kaya’t nasaksihan namin ang Grand Coronation Day ng pitong finalists sa “Super Sireyna 2018” ng Eat Bulaga.

Sa rami ng mga kasamang pamilya, kaanak, at fans ng bawat finalist ay SRO ang buong studio at dumadagundong talaga ang buong paligid sa hiwayan at palakpakan ng audience tuwing lumalabas ang pambato nilang Super Sireyna.

READ MORE:  Jake at Ella, madalas makitang magkasama

Narito ang tatlong kinoronahan sa grand finals second runner-up: si Queen of Opal na si Angel “Sanya Lopez” Montenegro; at first runner-up naman ang Queen of Onyx Sarah Lahbati na si Justine Mascariñas; at ang itinanghal na Super Sireyna title holder na si Queen of Amethyst Nicole “Liza Soberano” Guevarra Flores na naiuwi ang cash prize na P300,000 at house and lot na courtesy ng Lessandra.

READ MORE:  Bong, malungkot na namaalam sa staff and crew ng KAP

Samantala, kahit itinanghal na Super Online favorite with 35,966 likes ay hindi napigilang mapahagulgol nang iyak sa harap ng kanyang very supportive na pamilya si Queen of Emerald na si Anne “Bea Alonzo” Patricia Lorenzo na yumakap nang mahigpit sa kanyang sister.

READ MORE:  Coco, ‘di nakapag-taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, Cebuano, nagkagulo

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved