Monday , November 17 2025

Davis kinapitan ng New Orleans

DOBLE-KAYOD  sina Anthony Davis at Jrue Holiday upang akbayan ang New Orleans Pelicans sa pagwalis sa Portland Trailblazers, 131-123 kahapon sa 2017-18 National Basketball Association, (NBA) playoffs.

Kumana si Davis ng 47 points at 11 rebounds habang nagtala si Holiday ng 41 markers at walong assists upang kalawitin ang panalo para sa Pelicans sa Game 4 at ilista ang 4-0 serye sa kanilang best-of-seven playoff.

Masaklap ang pagka­katalsik ng Trailblazers dahil llamado sila bago nagsimula ang playoffs at maganda ang kanilang nilalaro sa regular season.

“I think this one probably hurts a little more because we had such a great season, and we came in with really, really high expectations,’’ hayag ni Portland star player Damian Lillard.

Hindi napigilan ng Trailblazers sina Davis at Holiday.

“They were the better team for four games,’’saad ni Maurice Harkless. “They outplayed us, they outhustled us, they were more physical.’’

Nagtala si Harkless  ng best overall season sa kanyang anim na taong NBA career, pero itong season playoff series ang pinakamasagwang laro niya.

“You have to give them credit for how well they executed offensively and they came in with a great defensive game plan, threw something at us we haven’t seen, and it worked out for them,’’ ani Lillard. “We just didn’t play great. We didn’t have our best series.”

Samantala, niratrat ng Philadelphia 76ers ang Miami Heat, 106-102 habang tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Houston Rockets, 121-105. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …