Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / College dean inaresto ng NBI sa ‘sextortion’ (Sa Surigao City)
College dean inaresto ng NBI sa ‘sextortion’ (Sa Surigao City)

College dean inaresto ng NBI sa ‘sextortion’ (Sa Surigao City)

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang college dean sa Surigao City dahil sa reklamong ‘sextortion’ ng isang estudyante nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Randy Retulla, inireklamo ng isang 21-anyos lalaking estudyante.

Ayon sa reklamo ng estudyante, nagkasama sila ng college dean sa isang hotel noong Disyembre ng nakalipas na taon at doon ay nakuhaan siya ng mga retratong siya ay nakahubo.

Ini-post aniya ni Retulla sa Facebook at nang makiusap siya sa college dean na alisin ito, pumayag  ang suspek ngunit ang hiningi umanong kapalit ay pakikipagtalik sa kanya.

Umabot umano sa pitong beses na pinagsamantalahan ni Retulla ang estudyante kaya nagpasya ang biktima na magsumbong sa NBI.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top