Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG (Sa illegal terminal sa Lawton)
CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG (Sa illegal terminal sa Lawton)

CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG (Sa illegal terminal sa Lawton)

SINAMPAHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes ng kasong administratibo ang isang Manila barangay chairperson dahil sa talamak na road obstructions sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang barangay chairperson na si Ligaya Santos y Villaruel, 77-anyos, na sinabing notoryus sa pagmamantina ng illegal terminal at illegal vendors na malaking abala sa maluwag na pagdaloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Sinabi ng MMDA sa kanilang reklamo, si Santos ay  hindi nakikipagtulungan sa kampanya ng gobyerno laban sa illegally-parked vehicles at iba pang road obstructions.

READ MORE:  Praning nang-hostage ng kaanak (4 araw lasing at walang tulog)

Inihain laban kay Santos ang reklamong neglect o dereliction of duty sa Department of Interior and Local Government (DILG). Siya ay kasalukuyang punong barangay ng  Barangay 659-A, Zone-71, District V ng Maynila.

Isinampa ni MMDA acting general manager Jose Arturo Garcia, Jr., sa tanggapan ni DILG Undersecretary Martin Diño ang kaso laban kay Santos bunsod ng pagkabigong panatilihin ang kaayusan sa erya ng Lawton malapit sa Philippine Postal Office.

READ MORE:  UN special rapporteur, ipakain sa buwaya — Duterte

Nitong nakaraang taon, naglunsad ng operasyon para linisin ang illegal transport terminal at road obstructions ang MMDA ngunit pinabayaan umano ni Santos na magsibalikan sa nasabing lugar ang illegal vendors at mga sasakyan na pumaparada nang ilegal gaya ng bus, UV Express at sinabing mga kolorum na van.

READ MORE:  Digong bumanat: ‘Piyok’ sa EJKs ‘misyon’ ni Risa

“It was determined that Barangay 659-A Zone 71 had not complied with their obligation under the turn-over agreement. It was found out that obstructions were still existing or have returned at the said roads and roads-right-of-way without the barangay having prevented the same,” pahayag ni Garcia sa kanyang complaint-affidavit.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved