Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Career ng mga dating bold star, binuhay ni Coco
Career ng mga dating bold star, binuhay ni Coco

Career ng mga dating bold star, binuhay ni Coco

MASAYA ang mga dating bold star dahil naisama sila sa sikat na sikat na teleserye ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano. Binuhay ni Coco Martin ang natutulog nilang career.

Ipinatawag ng actor sina Katya SantosMaui TaylorGwen GarciJaycee Parker, at Zarah Lopez para bigyan ng role sa FPJAP. Akala nga noong una, basta madaanan lang sila ng kamera okey na. Pero hindi pala, dahil mahalaga rin ang papel na ibinigay sa kanila.

Marunong tumanaw ng utang na loob si Coco. Binigyan niya ng magandang exposure ang mga dating goddess of beauty.

Noong araw, hindi puwedeng isnabin ang mga bold star. Namayani rin sila at nailaglag ang mga seryosong stars.

Hindi nga ba naririyan si Rosana RocesAya Medel na rich na ngayon at may restoran sa Bicol, Via Veloso,Vida Verde at iba pang sexy stars.

Marami sa kanila ang yumaman at sumikat pero hindi lang minahal amg kanilang career.

Besides, si Coco ay dating prince of indie films kaya hindi kailanman ito makalilimot.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved