Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Buntis patay, 9 sugatan sa van na nahulog sa bangin (Sa Tagkawayan, Quezon)
Buntis patay, 9 sugatan sa van na nahulog sa bangin (Sa Tagkawayan, Quezon)

Buntis patay, 9 sugatan sa van na nahulog sa bangin (Sa Tagkawayan, Quezon)

BINAWIAN ng buhay ang isang buntis habang siyam iba pa ang sugatan makaraan mahulog ang van sa isang bangin sa gilid ng highway sa Tagkawayan, Quezon, nitong Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang buntis na si Sagira Haji Ebrehim.

Ayon sa mga imbestigador, ang mga biktimang pawang mga residente sa Piagapo, Lanao del Sur, ay patungo sa Maynila nang mahulog ang sinasakyan nilang van sa 40 lalim na bangin sa Quirino Highway sa Brgy. Francisco, pasado 4:00 ng umaga.

READ MORE:  Kelot tigok sa hit & run ng 2 kotse

Bago nahulog sa bangin ay sumalpok ang van sa isang tindahan at waiting shed sa gilid ng kalsada, dagdag ng pulisya.

READ MORE:  Goitia bagong PRRC director (Itinalaga ni Duterte)

Ang mga sugatang biktima, kabilang ang van driver na si Alinor Lomondot, ay isinugod sa Maria Eleazar Hospital ngunit kalaunan ay inilipat sa isang ospital sa Maynila dahil sa maselang pinsala sa kanilang katawan.

READ MORE:  Maute sa Metro itinanggi ng NCRPO

Ang iba pang mga sugatan ay kinilalang sina Salmira Haji Ebrahim, Alnor Lomondot, Karen Galecia, Don Robert Galecia, Jericho Sablayan, Jonard Pusngan, Camadoleng Lomondot, at isang nagngangalang Allan. Hinala ng pulisya, maaaring nakaidlip si Lomondot habang nagmamaneho ng van.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved