Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bebot inaresto sa P.2-M shabu (Sa Caloocan)
Bebot inaresto sa P.2-M shabu (Sa Caloocan)

Bebot inaresto sa P.2-M shabu (Sa Caloocan)

ARESTADO and isang babaing hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) C/Insp. Arnold Alabastro, ang suspek na si Lyn Eskak, 27, residente sa Brilliant View, Phase 2, Brgy. 171, Bagumbong ng nabanggit na lungsod.

READ MORE:  PNoy binulabog ng aktibista sa US forum

Base sa imbestigasyon ni PO2 Jerome Pascual, dakong 6:30 pm nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng DDEU laban  kay Eskak sa labas ng kanyang bahay.

READ MORE:  Callamard sinungaling (Hihilahin sa kulungan) — Digong

Hindi nakapalag ang suspek nang arestohin ng mga operatiba makaraan iabot ang plastic sachet na naglalaman ng 2.5 gramo ng shabu, sa undercover agent, kapalit ng P5,000 buy-bust money.

READ MORE:  Task Force Bangon Marawi binuo ni Duterte

Narekober ng mga operatiba mula sa suspek ang isang malaking plastic sachet na naglalaman tinatayang P262,000 halaga ng shabu at P5,000 buy-bust money.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved