Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, makakatrabaho ang JoshLia sa I Love You, Hater
Kris, makakatrabaho ang JoshLia sa I Love You, Hater

Kris, makakatrabaho ang JoshLia sa I Love You, Hater

ANG saya-saya ni Kris Aquino kahapon habang patungo ng ABS-CBN para sa storycon cum contract signing sa Star Cinema para sa pelikulang gagawin niya kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto mula sa direksiyon ni Giselle Andres.

Habang biyahe ay naka-live feed si Kris sa kanyang social media accounts at ibinabalita niya na gustong-gustong sumama ni Bimby para siya mismo ang mag-interview sa kanya pero tinanggihan niya dahil baka kung ano-ano ang itanong.

READ MORE:  Jake Cuenca, lasing na lasing lang at ‘di totoong nagwala at nagmura

Nabanggit pa ni Kris, “like son, like mother.”

Napuputol ang live feed ni Kris kaya hindi namin nasundan kaya nagkasya na lang kami sa mga post niya sa FB account na litrato kasama ang non-digital manager niyang si Erickson Raymundo, Star Cinema head Olivia Lamasan, VP for Star Music, Roxy Liquigan, at AdProm Head Mico del Rosario para sa contract signing.

READ MORE:  Rufa Mae Quinto hahataw sa Music Museum para sa “4 da Best + 1” comedy concert Kasama sina Candy Pangilinan, Ate Gay at Gladys Guevarra

Base sa pahayag ni Mico, walang leading man si Kris sa pelikula at kung tama ang huling dinig namin ay empleado niya ang JoshLia.

Baguhang director si direk Giselle pero matagal ng assistant director ni Inang Olive sa lahat ng pelikula niya at ang unang pelikulang idinirehe ay ang Loving In Tandem nina Maymay Entrata at Edward Barbers na ipinalabas noong 2017.

READ MORE:  Shows ng TV5, pasok sa top 15 (SpinNation, pinag-usapan sa social media)

Matagal nang pangarap ni direk Giselle na makagawa ng romcom kaya noong binanggit sa kanya ang JoshLia ay talagang ang saya niya at kinabahan at natuwa noong malamang kasama si Kris.

Magsasama sina Kris at JoshLia sa pelikulang I Love You, Hater.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved