Tuesday , September 23 2025

Sa pagdating ni Standhardinger, SMB lalong lumakas

KARAGDAGANG puwersa ang darating para sa malakas ng San Miguel Beer sa katauhan ni Filipino-German sensation Christian Standhardinger.

Inaasahang magiging sakto ang pagdating ng 6’8 na sentro at top overall draft pick ng 2017 PBA Draft na si Standhardinger sa weekend na siyang simula din ng ensayo ng Beermen.

Ilang linggo itong mas maaga sa orihinal na antisipasyong ng pagsama ni Standhardinger sa kampo ng Beermen.

Dahil sa kanyang kontrata sa Hongkong Eastern sa Asean Basketball League, hindi pa agad nakasama ni Standhardinger ang koponan sa katatapos lamang na Philippine Cup na siyang pinagwagian din naman ng Beermen.

Sa katunayan, sa Mayo pa sana makakabalik ng bansa si Standhardinger dahil sa Mayo pa sana ang pagtatapos ng Finals ng ABL na pinapaborang makakaabot ang nagdedepensang kampeon na Hongkong.

Ngunit sa pambihirang pagkakataon, pinauwi sila nang maaga ng San Miguel-Alab Pilipinas matapos ang 2-0 pagwalis sa semi-finals kamakalawa, dahilan upang mapaaga ang paguwi ni Standhardinger.

Sa 22 ng Abril na ang simula ng 2018 PBA Commissioner’s Cup ngunit sa unang linggo pa ng Mayo ang laban ng SMB upang mabigyan sila ng sapat na pahinga dahil sa katatapos lamang na All-Filipino conference.

Hindi pa natalo sa apat na magkakasunod na Philippine Cup ang Beermen matapos nga nilang dispatsahin ang Magnolia, 4-1 sa katatapos lamang na Finals.

Sila rin ang kampeon ng Commissioner’s Cup at sa napipintong pagdating ni Standhardinger na nagrehistor ng 23.1 puntos, 11.7 rebounds, 2.4 assists at 1.4 steals sa ABL ay mas magiging mahirap para sa 11 iba pang koponan ang mapatanggal sa trono ang kampeon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Cayetano Bryan Bagunas Alas Pilipinas FIBV

Cayetano pinuri ang Alas Pilipinas sa pag-akyat sa ika-19 puwesto sa FIVB world championship

PINURI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang men’s volleyball team ng Pilipinas, ang …

FIBV Poland Canada

FIVB Volleyball Men’s World Championship
Poland tinalo ang Canada para umusad sa quarterfinals

UMARANGKADA ang Poland patungo sa susunod na round sa pagpapatuloy ng kanilang “redemption tour” Ipinakita …

Tats Suzara Pato Gregorio PSC PNVF Alas Pilipinas

Alas Pilipinas, Nagbigay ng Karangalan sa Bansa, Humahanga ang Mundo

NAGBIGAY ng hamon si Ramon “Tats” Suzara, pangulo ng Philippine National Volleyball Federation, sa mga …

Alas Pilipinas FIBV

Alas Pilipinas, inukit ang pamana ng puso sa kabila ng pagkatalo

NAGTAPOS ang kwento ng Alas Pilipinas sa kauna-unahan nitong paglahok sa World Championship nitong Huwebes …

Philippine Mind Sports Association PMSA Anne Bernadette AB Bonita

Pinoy Henyo, mapapalaban sa Int’l Memory Championships

HANDA at kumpiyansa ang Philippine Memory Team na magiging ispesyal ang kampanya sa kanilang pagsabak …