Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Pungsoy 2018 Chinese Zodiac: Tiger
Pungsoy 2018 Chinese Zodiac: Tiger

Pungsoy 2018 Chinese Zodiac: Tiger

ANG Tiger ay nasa ikatlong posisyon ng 12-year cycle ng Chinese Zodiac. Ang iyong Chinese zodiac animal ay Tiger kung ikaw ay isinilang sa mga taon na ito: 1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022.

Ang sumusunod ang twelve zodiac signs: Rat, Ox, Tiger, Rabbit, Dragon, Snake, Horse, Sheep, Monkey, Rooster, Dog, Pig.

Sa prediksiyon ng Tiger horoscope 2018, sinasabing ang taon na ito ay magiging maganda ang panimula, at maaari kang magtagumpay sa lahat ng larangang papasukin.

READ MORE:  Ang Zodiac Mo (June 13, 2017)

Ang pinakamainam na payong maibibigay sa iyo ay magkaroon ng tiwala sa sarili. Sumulong nang hindi nagtatanong ng marami sa iyong sarili.

Kung may alinlangan, maaaring masa-yang ang magagandang mga oportunidad. Batid mong ang pagkakataon ay hindi palaging nandiyan; kapag hindi ganap na napakinabangan ang mainam na panahon ng taon, maaaring matagpuan ang sarili sa blocked situation sa susunod na taon. Kalimutan ang iyong mga pagdududa at sumulong.

READ MORE:  Buhay ng sanggol nailigtas ng 3D heart print-out

Ang enerhiya ng 2018 ay tatatak sa Tiger natives. Ikaw ay magkakaroon ng mainam na taon, ngunit hindi mawawala ang mga hamon.

READ MORE:  Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 55)

Para sa mata-gumpay na career, bigyan ang sarili ng Lucky Buddha o Kwan Yin at dagdagan ito ng Feng Shui thread of coins o Tree of Wealth. Ang Mandarin Ducks ay makatu-tulong sa love matters.

Ma­i­nam din ang Lucky Bamboo o Wu Lou para sa kalusugan. Habang sa crystals, ang nababagay para sa iyo ay Tiger Eye at Citrine.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved