Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pag-alis ng mga co-host ni Willie (ng sabay-sabay), nakapagtataka
Pag-alis ng mga co-host ni Willie (ng sabay-sabay), nakapagtataka

Pag-alis ng mga co-host ni Willie (ng sabay-sabay), nakapagtataka

MINSAN na naming tinalakay dito ang nakapagtatakang exodus o pag-alis nang halos sabay-sabay ng mga co-host ni Willie Revillame sa Wowowin.

Nauunawaan namin noong una ang kaso ni Super Tekla who was the first to go. Balita kasing lagi itong late kung mag-report sa studio. Knowing Willie, kahit valid pa ang rason ng pagiging huli ng kanyang mga katrabaho, kawalan pa rin ‘yon ng sense of professionalism para sa kanya.

Ang huling naglahad ng kanyang saloobin sa pagkakatanggal niya sa nasabing show ay si Donita Nose. Siya ang sparring partner ni Super Tekla.

READ MORE:  Robin, iaalis si Kylie sa GMA para ilayo kay Aljur

Halos sabay na tinanggal si Donita along with former Bb. Pilipinas-Universe na si Ariella Arida, na naugnay pa nga kay Willie (pero pareho nilang itinanggi).

Kuwento ni Donita, magre-reformat kasi ang show, hence ang pagtanggap niya ng walking papers. Hindi na inalam pa ni Donita kung bukod doon ay mayroon pang mas katanggap-tanggap na dahilan ng pagkakatsugi sa kanya.

READ MORE:  Derek, pinuri si Pacman!

Hindi rin tinanong ni Donita si Willie. Aniya, ganoon ang ugali ng main host pagdating sa pagdedesisyon. Para rin naman ‘yon sa higit na ikagaganda ng programa.

Sorry, pero may “gray area” sa kuwento ni Donita. Kung magre-reformat din lang, bakit wala namang nakikitang nabago sa show?

Let’s face it, iba pa rin ang presence ng mga beki host sa anumang show. Although ang mga co-host ngayon ni Willie can deliver the goods, wala naman kaming nakitang palso o diperensiya sa hosting o pagpapatawa ni Donita who registers beautifully pa nga on screen.

READ MORE:  Paglalagas ng buhok ni Angel, sinolusyonan

Siguro nga’y tama ang sapantaha ng marami. Makapagkawanggawa si Willie sa mga kababayan natin, pero may itinatagong ‘di kaaya-ayang ugali sa kanyang mga katrabaho.

Ooops, parang may kilala rin kaming ganyan!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved