Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Latero nahulog mula sa 30-piye bubungan, patay (Nagkukumpuni ng yero)
Latero nahulog mula sa 30-piye bubungan, patay (Nagkukumpuni ng yero)

Latero nahulog mula sa 30-piye bubungan, patay (Nagkukumpuni ng yero)

PATAY ang isang 51-anyos latero makaraan mahulog habang kinukumpuni ang bubong ng bodega ng isang  paper company sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Bonifacio Plantinos, residente sa Northwind, San Jose Del Monte City, Bulacan sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan.

READ MORE:  Korupsiyon sinukuan ni Digong (“Malala hindi ko kaya... I’m going home, I’m tired...”)

Sa ulat kay Valenzuela police chief, S/Supt. Ronaldo Mendoza, dakong 2:00 pm nang mangyari ang insidente sa Vanhawk Paper Philippine Company sa 6400 Tatalon St.,  Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.

READ MORE:  Extortion ng CPP-NPA tanggihan (Hikayat ng militar sa 2019 poll bets)

Napag-alaman, habang nagtatrabaho ay nakatapak ang biktima sa kalawanging parte ng bubong kaya lumusot at nahulog mula sa 30 talampakang taas.

READ MORE:  Seguridad sa pagkain sa PH dapat tiyakin

Dinala ang bangkay ng biktima sa PNP Crime Laboratory para sa autopsy examination habang nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya upang mabatid ang pananagutan ng may-ari ng kompanya. (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved