Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ex-barangay chairman, 4 pa arestado sa droga, baril (Sa Cavite)
Ex-barangay chairman, 4 pa arestado sa droga, baril (Sa Cavite)

Ex-barangay chairman, 4 pa arestado sa droga, baril (Sa Cavite)

ARESTADO sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lima katao, kabilang ang dating barangay chairman, dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga at mga armas sa Cavite.

Si dating Pasay barangay chairman Maynard Alfaro at kanyang mga kapatid na sina Jonathan at Archie, hinihinalang lider ng drug syndicate na Nanad Group, ay nadakip sa isang posh subdivision sa Cavite nitong 14 Abril, ayon sa press release na inilabas ng NBI nitong Miyerkoles.

READ MORE:  16-anyos utol ni Nadine Lustre nagbaril sa ulo

Ang election gun ban kaugnay sa barangay at SK polls na gaganapin sa Mayo, ay nagsimula nitong 14 Mayo.

READ MORE:  4 utas sa buy-bust (Sa Maynila)

Armado ng Bacoor court-issued search warrant, nadiskobre ng mga operatiba ng Task Force Against Illegal Drugs ng NBI, ang ilegal na droga, drug paraphernalia, live ammunition at identification cards sa silid ni Jonathan, at isang caliber .40 pistol sa kanyang kotse.

Ayon sa mga awtoridad, nagtangkang tumakas si Jonathan ngunit nasukol ng mga ahente.

READ MORE:  4 arestado, 2 nakatakas sa drug raid sa Quezon

Kinagabihan, si Maynard, dating chairman ng Brgy. 134, Zone 23 sa Pasay City, ay nadakip kasama ang kanyang kapatid na si Archie, gayondin sina Henry Moyano at Romeo Laurenaria, Jr., nang maispatan sa harap ng nasabing bahay.

 

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved