Wednesday , June 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Bebot inatake sa puso sa motel

Bebot inatake sa puso sa motel

PATAY ang isang babae makaraan umanong atakehin sa puso habang nasa loob ng motel sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay S/Insp. Ferdinand Espiritu, ang biktima ay tinatayang 20-30 anyos, maliit ang pangangatawan, 5’1” ang taas, at nakasuot ng pink shirt at asul na maong pants.

Batay sa ulat ni PO2 Rockymar Binayug, dakong 3:54 pm nang mag-check-in ang biktima kasama ang isang nagngangalang Joel Revilla sa room 17-C ng Primas Inn sa McArthur Highway, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Pagkaraan ay iniwan ng lalaki ang biktima sa loob ng silid hanggang marinig ng roomboy na si Alvin Labong, 24, ang babae habang humihingi ng tulong dakong 7:45 ng gabi.

Nang puntahan sa silid ay nakita ni Labong na nahihirapang huminga habang hawak ng biktima ang kanyang dibdib kaya isinugod nila sa pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top