Sunday , July 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Anak sinunog, ama nagbigti sa kulungan (Sa Davao City)
Anak sinunog, ama nagbigti sa kulungan (Sa Davao City)

Anak sinunog, ama nagbigti sa kulungan (Sa Davao City)

DAVAO CITY—Nagbigti sa loob ng Sasa Police Station ang isang lalaki nitong Miyerkoles, isang buwan nang nakakulong matapos niyang sunugin ang sariling anak.

Ayon sa ulat, natagpuang nakabitin sa kisame, gamit ang benda, ang katawan ng bilanggong si alias Roger, 4:30 ng umaga.

Salaysay ng ibang bilanggo, ilang araw nang tuliro si Roger nang malaman niyang ililipat na siya sa Davao city jail.

Nag-aalala umano siya na wala nang bibisita sa kanya.

Dagdag ng mga preso, ito ang ikatlong pagkakataon na nagtangkang magpakamatay si Roger simula nang makulong.

Bago mamatay, iginiit umano ni Roger na hindi niya sinunog ang kaniyang anak.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top