Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ai Ai, nagtatanim ba ng sama ng loob?
Ai Ai, nagtatanim ba ng sama ng loob?

Ai Ai, nagtatanim ba ng sama ng loob?

GUSTO naming isipin na sa kabila ng kanyang katanyagan at katayuan sa buhay, isang pangkaraniwang tao pa rin si Ai Ai de las Alas.

Ayaw naming mabuo sa aming isipin that also, just because isa siyang Papal awardee (last year) ay “saintly” na kung gaano niya patakbuhin ang kanyang pang-araw-araw na buhay.

Amidst all these trappings, tulad ng bawat isa sa ati’y normal ding tao si Ai Ai. Natutuwa, nagagalit, nalulungkot o nasasaktan ng may dahilan.

Pero bukod pala sa mga karaniwang katangiang ito, little did we realize (na ngayon lang namin napagtanto) na matandain pala ang komedyante sa mga taong nakasamaan niya ng loob.

Hindi na namin pangangalanan ang taong involved. May ilang beses na naming nakasama ang taong ‘yon na sobrang malapit kay Ai Ai. Dekada ’90 pa nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ng non-showbiz individual na ito, na kulang na lang ay salagin ang bala para sa kanya.

READ MORE:  Nikko Natividad, excited sa pagsabak sa teleserye via Hanggang Saan

Since FB friend din namin ito, nag-post ito ng pasasalamat sa lahat ng mga tao—sa loob at labas ng showbiz—na umagapay sa kanyang pamilya upang matustusan kahit paano ang ginastos nila sa brain surgery ng kanyang ina.

Sa pagkahaba-habang talaan ng mga taong pinasalamatan niya’y hindi namin napasadahan ang pangalang Ai Ai de las Alas.

Kataka-takang hindi isa si Ai Ai sa mga nagtawid ng financial help, which makes us think na baka hindi naman nito nilapitan ang komedyana. But knowing Ai Ai, sa sobra-sobrang mayroon siya, gasino lang sa kanya ang itutulong niya lalo pa’t hindi naman iba ang taong ‘yon sa kanya.

READ MORE:  Malasado!

Pakiwari rin nami’y baka tuluyan nang nagkaroon ng falling-out sa  kanila ni Ai Ai at ng taong ‘yon, which if you care to know kung saan at paano nag-umpisa’y may kinalaman ang isang sikat na aktres na malapit kay Ai Ai.

Tumanggi kasi ang non-showbiz friend na ‘yon na humingi ng sorry sa actress-friend ni Ai Ai, na nakiusap sa kanya via social media. Pero dahil mgkaibigan sila, tumalima ang taong ‘yon, not because he felt he had wronged Ai Ai’s actress-friend kundi para na lang sa komedyana.

Mula noon ay nagkalamat na ang kanilang friendship. Isang mahalagang event sa buhay ni Ai Ai ang bigla na lang niyang iniba ang original plan.

READ MORE:  BeauteDerm CEO Rei Tan pararangalang muli!

Ikinadamdam ‘yon ng showbiz friend na marami pang “unknown truths” tungkol kay Ai Ai ang ibinahagi sa inyong lingkod (na isinulat naman namin dahil may basbas ‘yon).

Ang tanong namin ay ito: matanimin ba si Ai Ai ng kanyang sama ng loob sa kanyang kapwa? Feeling ba ng komedyana’y siya lang ang may karapatang sumama ang loob, at ang ibang tao’y wala?

Ibang level ng kabutihan ng tao ang Papal award na iginawagad sa kanya. Bunsod ‘yon ng maka-Diyos na gawain ni Ai Ai tulad ng pagpapatayo ng simbahan. Isa rin siyang Marian devotee.

Pero sa likod pala ng kabanalang ito’y mayroong katangian si Ai Ai taliwas sa kanyang public image? Just asking.

(RONNIE CARRASCO III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved