Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 1 patay, 1 sugatan sa hit-and-run
1 patay, 1 sugatan  sa hit-and-run

1 patay, 1 sugatan sa hit-and-run

BINAWIAN ng buhay ang isang angkas ng motorsiklo habang sugatan ang driver nito nang mabundol ng isang SUV sa Tomas Morato Avenue sa Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang namatay na si Jubert Abenes, 29-anyos, residente sa Marikina City.

READ MORE:  Rights concern dalhin sa tama at ukol na forum

Salaysay ng mga saksi, nabangga sa likuran ang motorsiklo ng kasunod nitong SUV habang binabaybay ang Tomas Morato.

READ MORE:  Bebot itinumba sa loob ng jeep

Sinubukan harangan ng isang pulang sasakyan ang SUV ngunit tumakas ito sa lugar.

Tumilapon si Abenes na walang suot na helmet. Napuruhan ang kaniyang ulo na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

READ MORE:  Anak ipinakulong ng ina (Praning kapag lasing)

Habang ligtas ang driver ng motorsiklo na may suot na helmet.

Inaalam ng pulisya kung posibleng may CCTV sa lugar upang matukoy ang plaka ng sinasabing nakabanggang sasakyan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved