Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Talent ni Sofia sa musika, ‘di na dapat pagtakhan
Talent ni Sofia sa musika, ‘di na dapat pagtakhan

Talent ni Sofia sa musika, ‘di na dapat pagtakhan

NANG i-launch ang singing career ng videojack na si Sofia Romualdez, ang paulit-ulit nilang tanong ay kung saan kaya nagsimula ang talent ng bata sa musika. Hindi lang siya ang kumakanta, siya rin ang lumikha ng awiting Thinking of U, na siya niyang ikalawang single.

Lampasan na natin ang katotohanang ang ermat niyang si Mayor Cristina Gonzales-Romualdez ay isa ring singer bukod nga sa pagiging aktres, iyon kanyang lolong si Jose Mari Gonzales, bukod sa pagiging isang actor din ay isang band leader. Siya noon ang nagtatag niyong sumikat na grupong Electromaniacs. Siya rin ang pioneer sa pagtatayo ng isa sa pinaka-modernong recording studio noong kanyang panahon, iyong Cinema Audio.

Kung iisipin mo, ang pamilya ng kanyang ina ay nabuhay dahil sa recording at music industry. Iisipin pa ba ninyo kung saan nagmana si Sofia?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved