Tuesday , July 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Piolo, choice na maging single muna
Piolo, choice na maging single muna

Piolo, choice na maging single muna

WALA pa ring karelasyon ngayon si Piolo Pascual.

Ayon sa actor, choice niyang maging single muna. At saka na lang siya ulit papasok sa isang relasyon. Hindi sa wala siyang time, marami pa kasi siyang gustong gawin sa buhay.

“In all honesty, hindi ko siya hinahanap. Ayoko siya hanapin, ayoko na lang muna,”  sabi pa ni Piolo.

Siguro, isa rin sa dahilan kung bakit ayaw pang manligaw ulit ni Piolo, ay dahil gusto niya, kung sino ‘yung susunod na magiging girlfriend, ay ‘yun na rin ang gusting makatuluyan. Kaya careful o nagiging mapili na  siya sa bagong mamahalin.

Ang tagal na ng huling nakipagrelasyon siya. At kung hindi kami nagkakamali, si KC Concepcion ang huli. After their break-up, na-link naman si Piolo kay Shaina Magdayao. Pero wala naman siyang inamin na sila na. Ang tanging sinasabi lang niya, exclusively dating sila ng nakababatang kapatid ni Vina Morales.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top