Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Labor attache sa HK nanatili sa puwesto
Labor attache sa HK nanatili sa puwesto

Labor attache sa HK nanatili sa puwesto

INIANUNSIYO ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa harap ng libo-libong Filipino sa Hong Kong, hindi muna aalisin ang labor attache na si Jalilo de la Torre.

Inimbita si Go ng mga kababayan natin sa HK at nagpasalamat sa kanyang pagiging matapat na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng mahabang panahon.

READ MORE:  Biktimang kritikal nadagdagan (Sa Tanay bus tragedy)

Katulad ng kanyang sinasabi sa mga pagtitipon sa Filipinas, hindi siya mapapagod sa pagganap sa tungkulin para maserbisyohan nila nang tama ang mga Filipino na naniniwala sa liderato ni Pangulong Duterte.

Si Dela Torre ay kilalang anti-trafficking labor diplomat, at kalaban ng mga notoryus at manlolokong employment agencies, kaya ganoon na lamang ang pagkadesmaya ng maraming OFWs sa Hong Kong nang mabalitaan ang pagpapa-recall sa kaniya sa puwesto.

READ MORE:  Sa ulat ng AFP: 50 miyembro patay sa Maute

Isa sa pinakahuling inaksiyonan ni Dela Torre ang pagbasura niya sa isang job order para sa mga Filipina na magsasayaw sa bar.

Ang job order na ito umano ay mula sa isang Filipino na may-ari ng isang employment agency.

READ MORE:  Bohol nilindol

Kamakalawa ay ki­nom­pirma ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na mag uusap muna sina Bello at Dela torre.

Inatasan din aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte si  Go na silipin ang isyung ito.

Umaasa  si Cayetano na  positibong malulutas ang nasabing usapin.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved