Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 13-anyos, nanay, 2 pa tiklo sa buy-bust
13-anyos, nanay, 2 pa tiklo sa buy-bust

13-anyos, nanay, 2 pa tiklo sa buy-bust

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasagip ng mga elemento ng Minalin Police Anti-Illegal Drug Operation Unit at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA 3) ang isang 13-anyos drug runner, habang nadakip ang kanyang ina at dalawang drug user sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Minalin, kamakalawa.

READ MORE:  Gang leader sa Isabela todas sa ambush

Ayon sa ulat  ni C/Insp. Pearl Joy C. Gollayan, hepe ng Minalin Police, sa tanggapan ni Acting Pampanga Police Provincial Director, S/Supt. Joel R. Consulta, kinilala ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act 2002, na sina Marites Quiazon, 40-anyos, ina ng 13-anyos binatilyo, nakatira sa Purok 1, Brgy, San Isidro; Jayson Navarro, 37, at Albert Navarro, kapwa taga Purok 3, Brgy. Dawe, sa nabanggit na bayan.

READ MORE:  DILG, walang pinipili sa paglilingkod — Roxas
READ MORE:  Classmate minolestiya, tomboy timbog sa NBI

Natagpuan sa bahay ng mag-ina ang 38 pirasong maliit at malaking sachet ng hinihinalang shabu, at P14,000 marked money.

(LEONY AREVALO)

COMMENTS

About Leony Arevalo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved