Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Kanta’ ni PAGCOR chair Didi Domingo para sa Boracay iba kay Pang. Digong
‘Kanta’ ni PAGCOR chair Didi Domingo para sa Boracay iba kay Pang. Digong

‘Kanta’ ni PAGCOR chair Didi Domingo para sa Boracay iba kay Pang. Digong

KUNG ‘agrarian reform’ para sa mahihirap na magsasaka ang programa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Boracay, naka-tapa ojos naman si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chair Andrea “Didi” Domingo sa pagpapapasok ng mga ‘investor’ kuno na magtatayo ng hotel casino sa Boracay.

Hindi natin alam kung sino ang desentonado. Ang pangulo ba o si Madam Didi?

READ MORE:  Advance Security & Watchman Agency palpak sa NAIA!

Pero naguguluhan tayo nang sabihin ng Pa­ngulo na hindi raw niya papayagan ang casino sa Boracay.

Kung hindi niya pinapayagan, bakit namamayagpag ngayon doon ang Movenpick Hotel Casino na sinasabing pag-aari ni Kim Wong!?

Alam kaya ng Pangulo na ang Movenpick Hotel Casino ay paboritong dayuhin ng mga Chinese and Korean nationals na kasama sa kanilang junket?!

READ MORE:  Wala ba talagang solusyon ang trafik sa Metro Manila

Alam din kaya niya na matagal nang namamayagpag sa Boracay ang hotel casino na ‘yan?

At katunayan ay mayroon na yatang dalawa pang Casino na itatayo sa Boracay kabilang na ang Galaxy.

Mukhang ito pa nga raw ang inaapura ni Madam Didi na maitayo agad-agad!?

Arayku!

Magkano ‘este mali Ano kaya ang explanation dito ni Madam Didi?!

READ MORE:  Lito Banayo na nasa MECO iimbestigahan

Paki-explain na nga po Madam Didi nang sa gayon ay hindi naman nagiging katawa-tawa ang Pangulo sa kanyang mga sinasabi.

Malasakit lang po sa Pangulo, please!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved