Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Ang mga tirador ng luxury cars sa Customs na sina alyas Modi at Boy Tattoo
Ang mga tirador ng luxury cars sa Customs na sina alyas Modi at Boy Tattoo

Ang mga tirador ng luxury cars sa Customs na sina alyas Modi at Boy Tattoo

GRABE na ang ginagawa nina alyas Modi at Boy Tattoo sa mga raket na pagpapalusot ng luxury cars sa Customs.

Mukhang nababoy nila nang husto ang Aduana sa pamemeke ng ATRIG (authority to release imported goods) kasabwat ang isang alyas Aling Nity na dinaraanan ng kotse.

Si alyas Modi ang tirador at sobrang yaman na at ang mga ka-deal niyang luxury cars importer mula Dubai.

READ MORE:  DBM official pinasasampolan sa anti-corruption campaign ng administrasyong Duterte

Daang milyon ang diperensiya (misdeclaration) ng kanilang pinapapasok na Landcruiser, Range Rover, Camaro, Benz at iba pang sports cars.

Isa umano sa mga consignee na ginagamit ng grupo ang Gamma Gray.

Ito ang dapat paimbestigahan ni Customs Commissioner Sid Lapeña at ni BIR Comm. Dulay!

***

Si Deputy Director Eric Distor ng NBI Intelligence ay pinuri kamakailan ng homeland security ng America. Kaya magdo-donate sila ng mga apparatus para lalo pang palakasin at mahuli ang mga kriminal sa ating bansa.

READ MORE:  Ang Bataan (Unang Bahagi)

Humanga kasi ang mga Kano kay Deputy Director Distor dahil iba siyang magtrabaho, talagang hard working official ng NBI.

Keep up the good work sir!

***

Na-recover na agad ni Commissioner Isidro Lapeña ‘yung pinuslit na tiles sa Asean Terminal Inc.

READ MORE:  Pardon nangibabaw kaysa Konstitusyon at ibang mga batas

Actually, walang opisyal ng Customs na maglalakas ng loob ang makikipagsabwatan sa broker para ipuslit dahil takot sila.

Kaya ang may kasalanan dito ang ATI at ‘yung alerting office manual or computer kasi sila ang nagpipindot kaya walang kasalanan and POM District office.

Dapat imbestigahan mabuti ng NBI ang broker at ATI.

Managot ang dapat managot!

COMMENTS

About Jimmy Salgado

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved