Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bitay hatol ng Kuwait court vs amo ni Demafelis (Sa OFW sa freezer)
Bitay hatol ng Kuwait court vs amo ni Demafelis (Sa OFW sa freezer)

Bitay hatol ng Kuwait court vs amo ni Demafelis (Sa OFW sa freezer)

HINATULAN ng Kuwaiti court “in absentia” ang isang Lebanese at kanyang Syrian wife ng bitay kaugnay sa pagpatay sa isang Filipina maid, ayon sa judicial source.

Inihayag ng korte ang hatol sa unang pagdinig sa kaso ni Joanna Demafelis, ang 29-anyos maid na ang bangkay ay natagpuan sa loob ng freezer sa Kuwait.

READ MORE:  Kelot tinodas sa harap ng live-in

Ang hatol ay maaari pang iapela kapag bumalik ang mag-asawa sa Kuwait, ayon sa source.

Ang pagpaslang kay Demafelis ay nagresulta sa diplomatic crisis sa pagitan ng Kuwait at Filipinas, nagbunsod ng pagpapatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng deployment ban sa mga nagnanais magtrabaho sa Gulft state.

READ MORE:  Ex-INC Minister Menorca inaresto

Ang Lebanese-Syrian couple ay inaresto nitong Pebrero sa Syrian capital Damascus kasunod ng Interpol manhunt.

READ MORE:  Ulong pinutol ng 2 magsasaka natagpuan na (Sa Maguindanao)

Dinala ng Syrian authorities ang mister na si Nader Essam Assaf, sa Lebanese authorities, habang ang kanyang Syrian wife ay nanatili sa kustodiya sa Damascus.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved