Categories: News

Binti ng SumVac putol sa bus (Sa Quezon)

Share

NAPUTOL ang kaliwang binti ng isang road safety volunteer makaraan mahagip ng isang pampasaherong bus habang sakay ng motorsiklo sa Gumaca, Quezon, nitong Linggo.

Ayon sa ulat, nakatawag pa sa kanyang mga kapwa Ligtas SumVac (summer vacation) volunteers ang biktima gamit ang hawak na handheld radio makaraan siyang mahagip ng Raymond Trans bus, na may body number na 9418, sa bahagi ng Maharlika Highway sa Brgy. Hagak-hakin nitong madaling-araw ng Linggo.

Sa mga retrato mula sa Gumaca Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kitang naputol ang buto ng biktima sa kanyang kaliwang binti.

May iba pang sugat ang biktima sa ibang parte ng kanyang katawan.

Ayon sa MDRRMO, papauwi ang biktima nang mahagip ng bus. Hindi pa inihahayag ang pangalan ng SumVac volunteer.

Habang nasa kustodya na ng lokal na pulisya ang driver ng bus.

Napag-alaman na handa umanong makipagtulungan ang may-ari ng Raymond Trans sa biktima.

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Kris sa pagpo-produce ng sariling show — I can’t handle the stress

SA nakaraang pa-presscon ni Kris Aquino para sa paborito niyang cousin in law na si Timi Aquino, natanong siya kung… Read More

4 hours ago

Sharon, inirampa ang kapayatan (gana sa pagkain, biglang nawala)

SOBRANG pisikal kung ilarawan ni Direk Erik Matti ang pelikula nila nina Sharon Cuneta at John Arcilla, ang Kuwaresma mula… Read More

4 hours ago

John, ‘di makapaniwalang magiging leading lady si Sharon

PANAY ang halakhakan nina Sharon Cuneta, John Arcilla, at Direk Eric Matti sa mediacon ng Kuwaresma, ang bagong handog ng… Read More

5 hours ago

Crowne Plaza Manila Galleria emergency/fire exits naka-lock?! Wattafak!?

MUKHANG may malaking problema talaga ang mga awtoridad na dapat ay nagmamantina ng seguridad ng bawat gusali sa buong bansa.… Read More

5 hours ago

Sino ang handler ni Bikoy?

OSLA ang style ni Bikoy! Marami tayong naririnig na ganitong reaksiyon. Kumbaga, kahit saang anggulo tingnan, demolition job lang daw… Read More

5 hours ago

Crowne Plaza Manila Galleria emergency/fire exits naka-lock?! Wattafak!?

MUKHANG may malaking problema talaga ang mga awtoridad na dapat ay nagmamantina ng seguridad ng bawat gusali sa buong bansa.… Read More

5 hours ago