Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Patay sa Pavilion fire umakyat sa 5
Patay sa Pavilion fire umakyat sa 5

Patay sa Pavilion fire umakyat sa 5

NAREKOBER ng mga awtoridad nitong Lunes ang ikalimang biktimang namatay, kasabay ang pagdeklarang fire-out na ang sunog sa Manila Pavilion Hotel and Casino sa Ermita, Maynila.

Ayon sa ulat, ang ika-limang biktima ay kinilalang si Jo Cris Sabado, idineklarang nawawala makaraan magsimula ang sunog sa hotel pasado 9:00 am nitong Linggo.

READ MORE:  Roxas, Abad, Abaya et al dapat managot sa prehuwisyo sa MRT 3

Hataw Catriona Gray Ryza Cenon Jadine James Reid Nadine Lustre Janet Napoles Martin Andanar Lourdes Sereno

Nabatid na si Sabido ay kapatid ng isa pang fire fatality na kinilalang si Mark Sabado.

Ang dalawang iba pang namatay sa insidente ay kinilalang sina Jun Evangelista, treasury officer, at Billy de Castro, intern security.

READ MORE:  Correctional ‘Welcome’ kay Napoles (Kahit ‘congested’ na)

Samantala, idineklara ng Manila fire bureau na ganap nang naapula ang apoy dakong 10:56 am kahapon.

Sinabi ng mga awtoridad, 24 ang sugatan sa insidente, kabilang ang isang kritikal ang kondisyon.

READ MORE:  Graduates ng K-12 maaaring ‘di pa handang magtrabaho

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente kabilang ang ulat na hindi gumana ang sprinkler system ng hotel nang magsimula ang sunog.

Nabatid din na nagsagawa ng fire drill sa nabanggit na hotel, isang linggo bago ang insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved