Wednesday , August 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Digong nag-aerial inspection sa sunog sa Manila Pavilion
Digong nag-aerial inspection sa sunog sa Manila Pavilion

Digong nag-aerial inspection sa sunog sa Manila Pavilion

NAGSAGAWA si Pangulong Rodrigo Duterte ng aerial inspection sa nasunog na Manila Pavilion Hotel nitong Linggo ng hapon.

Mula sa Baguio City matapos ang Philippine Military Academy graduation rites, lulan ng presidential chopper, nagtungo si Duterte sa Maynila at nagsagawa ng aerial inspection.

Sinamahan siya ni Special Assistant to the President Secretary Christopher “Bong” Go, na nagpadala ng mga retrato sa mga miyembro ng media.

Tatlo katao ang kompirmadong namatay habang 14 ang sugatan sa insidente. Nagsimula ang sunog pasado 9:00 am.

Hinala ng mga awtoridad, nagsimula ang sunog sa casino area ng mezzanine floor.

Base sa latest updates mula sa Bureau of Fire Protection, umabot ang sunog sa ikatlong alarma. Sinikap ng mga bombero na hindi kumalat ang apoy sa upper floor.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top