Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, kay Janine na ipapareha
Alden, kay Janine na ipapareha

Alden, kay Janine na ipapareha

MALABO na talagang magkabalikan sina Maine Mendoza at Alden Richards sa kanilang mga project. Magsosolong lakad kasi si Alden dahil kay Janine Gutierrez na siya ipapareha kasama si John Estrada.

Lumipat na si John sa Kapuso Network matapos patayin ang karakter sa The Good Son ng ABS-CBN.

READ MORE:  Lara Lisondra, Pinay Teenstar ng Riyadh

Lumalamig na yata ang dati’y mainit nilang paglalambingan.

Nagsosolo na rin si Maine sa Sugod Bahay at si Alden naman sa Eat Bulaga Broadway studio.

Sa mangyayaring ito, mapapatunayan nila kapwa kung talaga bang makakaya nilang magsolo at magpalit ng kapareha.

ILANG EKSENA
SA ANG PROBINSYANO,
INIAANGAL

Coco Martin Joko Diaz Eddie Garcia Susan Roces Jhong Hilario FPJ’s Ang Probinsyano FPJAP

MABUTI at natuldukan na ang yugto nina Joko Diaz at Eddie Garcia sa FPJ’s Ang Probinsyano.

May mga umaangal na sa kuwento ng aksiyong seryeng ito ni Coco Martin na dapat sanaý pambata pero nagkakaroon ng mga brutal na pangyayari.

READ MORE:  James, ginutom sa isang event

Nariyan ang isang naghihingalo na pero tinuluyan pa ng grupo ni Joko. Kawawa naman na kung patayin sa eksena ay ganoon na lamang.

READ MORE:  Pangarap na bahay ni Janella, natupad na

Mabuti pa grupo nina Susan Roces at Jhong Hilario dahil puro palitan na lang ng kani-kanilang kuro-kuro ang eksena.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved