Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pia Wurtzbach, target ma-penetrate ang international market bilang aktres
Pia Wurtzbach, target ma-penetrate ang international market bilang aktres

Pia Wurtzbach, target ma-penetrate ang international market bilang aktres

IPINAHAYAG ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach na ang next biggest dream na gusto niyang ma-achieve ay ma-peneterate ang international market bilang aktres.

After ng showbiz career mo sa bansa, ano ang next na gusto mong ma-achieve?

Sagot ni Pia, “Siyempre, international na. Iyon iyong next na goal and I think, lahat naman ng ginagawa ko is helping lead to that. People might not see it right now, but I’m gaining experience with every project that I’m doing here. Kahit na sabihing dito sa Filipinas iyan, experience pa rin iyan na madadala ko sa mga gusto kong i-pursue in the future.

“So hopefully after kong… parang I’ll focus on this first. I still feel that there are a few more things that I’d like to do and a few more things that I’d like to try here. But, hindi ko pa naman nakakalimutan that other big dream that I have, ‘yung international (market).”

Sinabi rin ng 28-year-old beauty queen/actress na dream niya ang maging isa sa babae sa James Bond movie.

“Hindi pa rin nawawala ‘yung Bond girl, nakabantay nga ako roon, e, nakabantay ako sa Bond girl kasi alam kong may lalabas na bago. And they’re really trying to experiment already with the casts, so it’s really different this time. And even sina Esther (Swan), Miss Universe, IMG, they all know that I really want something like that. If not that, something like that. So we’ll see, we’ll see what we can do. Maybe for now we can work on… busy kasi ako rito, dapat ay nandoon ako.

“Like for example, we’ll start first with Music Videos. Alam mo ‘yun, leading lady sa music video? Then we slowly work our way up. But, it’s still at the back of my mind. I just can’t jump into it without being prepared,” saad ni Pia.

Anyway, si Pia ang bagong leading lady ni Gerald Anderson sa pelikulang My Perfect You – ang pinakamainit at pinakamala-king romantic movie ng season mula Star Cinema.

Sa direksiyon ng rom-com queen na si Cathy Garcia-Molina, ang My Perfect You ay istorya ng isang imperfect na lalaki na naglalayong hilumin ang kanyang sugatang puso matapos niyang makilala ang perpektong babae na maaaring gumamot sa kanyang nagdurugong puso.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved