Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Vi, natensiyon sa mga mahistrado
Ate Vi, natensiyon sa mga mahistrado

Ate Vi, natensiyon sa mga mahistrado

BAGAMAT aminado si Ate Vi (Vilma Santos) ng naging tension niya nang mapagitnaan ng mga naglalabang justices ng korte suprema sa isang gathering, wala ka namang nakitang pagkakaiba ng pakikitungo niya sa lahat sa kanila.

“Hindi ako apektado ng politika kahit na kailan. Siguro nga masasabi ng iba na politician ako, kasama ako sa isang political party. Pero hindi ako apektado niyan eh. Sa akin kasi naging politician ako na ang talagang interest ko lang public service eh. Basta nagagawa ko ang trabaho ko para sa mga kababayan ko, wala akong pakialam sa politika.

Hindi ako kailangang sumunod nang sumunod kahit na kanino. Basta kung ano ang ikabubuti ng mga tao, at kung ano ang gusto ng mga kababayan ko, iyon ang mahalaga sa akin. Kaya nga hindi nawawala sa akin iyong consultation sa mga barangay eh.

READ MORE:  Andrea Torres, lutang na lutang ang galling sa pag-arte
READ MORE:  ‘Nay Lolit, kumulo ang dugo sa isang TV scriptwriter

Sa akin kung ano ang mas makabubuti, roon lang ako. Wala akong ibang considerations. Hindi ako nag-iisip ng puwesto. Hindi ako naghahabol ng kahit na ano personally. Kung ano mayroon ako, kuntento na ako eh. Kung kulang pa, mag-artista na lang ako, mas matutuwa pa ang fans ko. Kaya ako, hindi ako affected talaga ng politika, kahit na sabihin pa nilang nasa isang political position ako.

READ MORE:  Sylvia, nagi-guilty ‘pag pinag-uusapan ang tungkol sa tatay; Luneta Park, pinaka-hate na lugar

“Masaya na ako sa buhay ko,” pagtatapos pa ni Ate Vi.

Pero kailan nga ba gagawa ng pelikula ulit si Ate Vi?

HATAWAN!
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved