Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Summer malapit nang ideklara
Summer malapit nang ideklara

Summer malapit nang ideklara

INIHAYAG ng state weather bureau PAGASA nitong Linggo, maaaring ideklara ang summer season sa kalagitnaan ng Marso, kapag natapos na ang malamig na northeast monsoon o amihan sa Luzon.

Ang amihan ay kasalukuyang nagdudulot ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera, Bicol Region, at Eastern Visayas, at sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon, ayon kay PAGASA meteorologist Aldczar Aurelio.

READ MORE:  Ex-Makati Mayor Elenita Binay absuwelto sa graft

Habang ang Metro Manila at nalalabing lugar sa Luzon, ay nakararanas ng isolated light rains bunsod ng malamig na hangin mula sa Siberia at China, aniya.

READ MORE:  4-buwan sanggol patay nang ihagis ng senglot na tatay

“Itong amihan ito ay maaaring huling bugso na ito at inaasahan natin ngayong linggo — bukas o ngayong Martes — ay makakaranas na tayo ng mainit na panahon,” ayon kay Aurelio.

READ MORE:  7 rape-slay suspects parurusahan na (Sa batas ng Islam)

Ang easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific, kasama ng high pressure area, ang magiging dominant weather systems, dagdag ni Aurelio.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved