Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tambalang Miguel at Bianca, tinalo ang isang sikat na loveteam
Tambalang Miguel at Bianca, tinalo ang isang sikat na loveteam

Tambalang Miguel at Bianca, tinalo ang isang sikat na loveteam

TOTOONG walang malaki ang nakapupuwing, parang David and Goliath lang ang peg.

Ang OA naman din kasi ng pralala ng ABS-CBN tungkol sa ratings ng nagtapos nang La Luna Sangre na consistent na tinalo ang katapat nitong Kambal Karibal mula sa simula.

May mga weeknight pala kasing nauungusan ng teleserye nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

READ MORE:  Nadine, pinababayaan ang sarili

Bagama’t mabibilang lang sa daliri ang mga gabing ‘yon, the mere fact na nakapuwing sila ng isa nang established loveteam is more than an achievement.

Sa kabila nito, pinabibilib kami ni Miguel sa kanyang kababaang-loob. Ina-acknowledge kasi niya ang malakas na KathNiel pull sa mga manonood.

READ MORE:  IG ni Tetay, nililinis, ayaw na ng negativity

Gayunman, hindi raw ‘yon dahilan para maging complacent o petiks-petiks ang ginagawa nilang trabaho ni Bianca sa KK. All the more pa ngang pinagbubuti nila ang bawat episode.

Maaaring sabihing no comparison sa dalawang bagets loveteams, at totoo naman. Between the two ay milya-milya ang distansiya ng KathNiel sa Bianca-Miguel, but the latter is putting up a good fight.

READ MORE:  Roxanne, kinabahan sa muling pagharap sa kamera

Isang mas matindi pa sanang TV assignment ang maipagkaloob sa dalawang ito, at they will sure give other young pairings a run for their money.

Kaya kumilos sana ang mga henyo sa creative department ng GMA!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved