Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Erik, excited na sa kanyang My Greatest Moments
Erik, excited na sa kanyang My Greatest Moments

Erik, excited na sa kanyang My Greatest Moments

Eight in 8! In September 22, 2018, a month before his birthday, Erik Santos, one of Cornerstone Entertainment artists will celebrate his 15th year in the biz with a major concert via Erik Santos: My Greatest Moments. Kaya naman excited na ang King of OPM Theme Songs as he flies solo sa MOA Arena.

Nag-announce ng walong banner concerts nila for the year ang Cornerstone Concerts ni Ericson Raymundo. Kaya excited ang lahat ng kanyang artists dahil kasado na ang mga kaganapan for the year.

Walong concert sa kanikang walong taon.

Nauna na ang dalawang gabi ng Tagpuan ni Moira dela Torre sa KIA Theater na first directorial job sa concert scene ng artist na rin ng Cornerstone na si John Prats.

Sa April 28, sa KIA Theater naman sasalang si K Brosas with her 18K na ang guests ay sina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez and Jaya.

Sa May 18, 2018 na ang 10th year anniversary ni  Richard Poon sa Newport Theater sa Resorts World Manila kasama ang 21-piece orchestra.

Asia’s Soul Supreme at kasali ngayon sa Singer 2018KZ Tandingan will have her first major solo concert at the Big Dome sa June 2018.

In August, the 3Js—Jason Dy, Jaya and JayR will collaborate in a concert at the KIA Theater.

Then, Erik’s night in September.

The young artists of Cornerstone—YouTube Sensation AJ Rafael, Janina Vela, Kyle Echarri, Alex Diaz, Claudia Barretto and Jayda Avanzado will have their turn to.

At siyempre, ang most requested na part 2 ng Divas Live in November where else but the Big Dome. Excited na ang ang apat! KZ, Kyla, Yeng Constantino, at Angeline Quinto!

Wala ka namang itulak-kabigin sa mga artists na ito. Sa mula’t sapul pinatutunayan nila na karapat-dapat sila with and in the niche they have carved all these years sa career nila. So, nothing and no one can topple them. Unless sila mismo ng sumira sa trabaho at pagkatao nila.

Kaya nga, mag-i-stay pa si Ericson para patuloy na gabayan ang mga alaga nila in Cornerstone. Hindi lang naman kasi singers ang hawak nito kundi pati mga artista, direktor, stage people, at hosts din. At may film production pa. San ka pa?

Erik and Mr. Poon doesn’t feel old at all. Kasi nga, magkakaiba naman  sila ng genre kaya talagang may mag-aabang at mag-aabang sa musikang handog nila.

Imagine Ms. Cynthia, Ms. Caress, Sir Jeff! Fifteen years. Ten years. Eight years! And going strong!

Kaya simulan na ang pag-iipon!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved