Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sigaw ng mga taga-Bacoor, Cong. Strike mag-Mayor ulit
Sigaw ng mga taga-Bacoor, Cong. Strike mag-Mayor ulit

Sigaw ng mga taga-Bacoor, Cong. Strike mag-Mayor ulit

NAIMBITAHAN kami noong Biyernes, March 2 na pumunta at makisalo sa maliit na salu-salo para sa kaarawan ng butihing kongresista ng Bacoor, Cavite na si Rep. Strike Revilla.

Nagulat kami sa kantiyaw na isinisigaw ng mga dumalo habang ang kongregista ay nagsasalita. Nakiusap sila na muling tumakbo at bumalik sa pagka-mayor ng Bacoor si Rep. Strike Revilla.

READ MORE:  Andrea del Rosario, enjoy pagsabayin ang showbiz at business

Ngunit ngiti lang ang naging sagot sa kanila ng mambabatas na si Strike. Si Rep. Strike ay siyam na taon naging mayor ng Bacoor.  Sa panahon niya naging siyudad na maganda ang Bacoor.

READ MORE:  Dementia, gustong mapanood ng mga batang nasa bahay ampunan

Nakapagpatayo ng mga gusali, paaralan at malaking bagong City Hall na napapaligiran ng iba’t ibang sangay ng ahensiya at isang malaking gymnasium na ginanap ang salu-salo.

Hangang ngayon ay naaalala pa rin namin, kung paano siyang kinukulit ng mga bisita na bumalik na sa City Hall.

READ MORE:  Beauty Queen atras sa ambisyong pag-aartista, dahil nataypan ng very influential na produ

Ang iba ay may kasama pang luha sa gilid ng kanilang mata habang nagpapakuha ng larawan kasama ang kanilang mahal na dating mayor at ngayon ay kongresista.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved