Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, inalok ng trabaho ang estudyanteng may Lupus
Kris, inalok ng trabaho ang estudyanteng may Lupus

Kris, inalok ng trabaho ang estudyanteng may Lupus

INALOK ni Kris Aquino ng trabaho sa kanyang KCAP company ang graduating student na si Trisha Duncan na nakatakdang magtapos ngayong taon sa kursong AB Philippine Studies in Mass Media sa De La Salle University.

“If you’re ever interested to join our team come June, maybe you’ll take a break, after that, maybe September. You’re very much welcome to become a part of our family because I champion people who do not let setbacks get them down,” sabi ni Kris kay Trisha sa ginanap na Ultherapy event kamakailan

Isa si Trisha sa ambassadress ng Ultherapy na ineendoso rin ng Queen of Online World at Social Media at sa ginanap na launching ng produkto ay napahanga ng dalaga si Kris dahil nalaman nito na maysakit siyang lupus at matagal na niya itong iniinda na nagsimula noong 2015.

READ MORE:  Sunday All Stars, walang production value kaya talo sa ASAP

Bumilib si Kris dahil kahit na maysakit si Trisha ay hindi naging hadlang para itigil ang pag-aaral at kahit maraming ginagawa bukod sa modeling ay name-maintain ang healthy lifestyle.

Nang marinig ni Kris ang kuwento ni Trisha ay sinabihan niya ang dalaga ng, ”Your positivity is really very inspiring. It’s not about vanity in your case and I think this is about empowerment. It’s taking back your life and saying that ‘No, life gave me this, life gave me these challenges but I’m going to rise above it.’”

Nag-post naman si Trisha ng kanyang pasasalamat kay Kris, ”Thank you for the kind words yesterday, Ms Kris! It means so much to me coming from you, the woman I grew up watching and idolizing. Still can’t get over the fact that I met you for the first time yesterday and starstruck po talaga ako (I was really starstruck) ‘cause you are truly beautiful in person.”

Inamin din ng dalaga na ang pag-alok ni Kris sa kanya ng trabaho ang nagbigay inspirasyon sa kanya para mapadali ang pagtatapos sa Hunyo.

READ MORE:  Jake, sobrang kinamumuhian ng viewers sa sama ng karakter sa Ikaw Lamang
READ MORE:  Paanyaya ni Kris, tanggapin kaya ni Paolo?

“Thank you po sa (for the) offer with your team! Super kinilig ako (I felt really-flattered) and it motivates me to finish by June. Claiming it!!” say ni Trisha.

Anyway, bukod kina Kris at Trisha ay kasama rin bilang ambassadress ng Ultherapy sina Rosanna Ocampo-Rodriguez at Agoo Bengzon.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved