Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Tycoon KTV Bar sa Macapagal Blvd., namamayagpag pa rin
Tycoon KTV Bar sa Macapagal Blvd., namamayagpag pa rin

Tycoon KTV Bar sa Macapagal Blvd., namamayagpag pa rin

TULOY pa rin ang ligaya ng mga ‘tongpats’ sa Tycoon KTV bar diyan sa Macapagal Boulevard.

Walang tigil ang rampa ng Chinese prostitutes na nagpapanggap na mga customer ng KTV bar pero nakikipag-deal pala sa kanilang mga parokyano.

Nagtataka naman ang inyong lingkod kung bakit sa Angeles City ay timbog lahat ang mga bebot na Eastern European na panay ang rampa bilang prostitutes.

READ MORE:  Nakalusot na ‘P6.8-B shabu’ espekulasyon — Palasyo

Pero bakit sa Tycoon KTV bar ay tuloy ang ligaya ng mga Chinese prostitutes?

Mahirap umanong ipatigil ang aktibidad ng mga nasabing Chinese prostitutes dahil mga bigtime na gov’t officials at high-roller junkeeters sa mga Casino ang kanilang guests.

READ MORE:  Mag-ingat sa scammer

Wattafak?!

Siyempre kasama pa riyan ang mga maiimpluwensiyang ‘bugaloo.’

Kaya siguro ‘walang paki’ ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (B I) kahit nakababad ang kanilang mga ahente sa nasabing KTV bar.

Mukhang malayo ang nararating ng paki­nabang sa Tycoon KTV bar… kaya siguro hindi magalaw-galaw ng mga awatoridad…

READ MORE:  MPD Tondo 1 station paboritong hagisan ng granada?! Bakit!?

Ganoon ba ‘yun NBI Director Dante Gierran and Immigration Commissioner Bong Merente?!

Pakibalitaan naman kami!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved