Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / The Significant Other, hataw sa takilya!
The Significant Other, hataw sa takilya!

The Significant Other, hataw sa takilya!

HINDI binigo ng mga manonood sina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Erich Gonzales dahil sa unang araw ng movie nilang The Significant Other, nag-gross ito ng P4.3-M.

Masayang-masaya ang produksiyon ng CineKo dahil sa lakas ng suporta ng fans ng tatlo, kasama na ang mga naengganyo ng social media at mga kaibigan sa entertainment media para sa tinatawag ngayong  ”millennial triangle.”

READ MORE:  Cineko Productions, patuloy pa ring magpo-prodyus ng pelikula

Super sexy ang pelikula na nabigyan ng R-13 rating ng MTRCB at aliw na aliw ang mga unang nakapanood sa patalbugan ng mga maaanghang na salita ng mga bidang babae, kahit na ang mga gumanap nilang nanay na sinaDina Bonnevie at Snooky Serna.

“Makatotohanan, very practical at hindi nanghuhusga ang movie,” sey ng ilang friends sa media na nakitaan ng bagong anggulo ang pelikulang idinirehe ni Joel Lamangan.

READ MORE:  Erich, nahirapang umungol pero sarap na sarap sa eksena!

Tungkol nga sa kuwento ng mag-asawa at kabit ang pelikula at kung paano silang sinuportahan at hindi pinaboran ng mga tao sa paligid nila.

“But this is not your typical kabit movie. Iba ang ginawang atake ng kuwento at direksiyon,” hirit pa ng  media friends natin. Puring-puri ang tatlong mga bida na hindi lang isang beses pinalapakpakan sa mga eksena nila. Palabas pa rin at patuloy na lumalakas ang pelikula na mapapanood din sa mga sinehan sa buong bansa.

READ MORE:  Daniel Padilla may maling hinala kay Kathryn at amang si Ian sa hit na hit na seryeng “Pangako Sa‘yo” (Gaganap na Bea Bianca nahanap na)

Ipinrodyus ng CineKo at ipinamamahagi ng Star Cinema, inaasahang mabilis na aabot sa P50-M mark ang The Significant Other.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved