Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Misis ni komedyante, proud pa sa ginawang pagtataksil
Misis ni komedyante, proud pa sa ginawang pagtataksil

Misis ni komedyante, proud pa sa ginawang pagtataksil

MABAIT na rin naman ang komedyanteng ito na balitang pinendeho ng kanyang misis na nasa showbiz din.

Tandang-tanda kasi ng aming source ang minsang pag-uusap nila ng komedyanteng ito noong kasagsagan ng kanyang malaking hinampo sa kanyang magandang dyunakis na pinararantangang walang utang na loob.

READ MORE:  Pagpapa-annul ng unang kasal ni male sexy star, nabalewala

Nang tanungin kasi ng aming source ang komedyane kung handa ba siyang ilantad on national TV ang ginawang pagtataksil sa kanya ng noo’y dyowa niya, iiling-iling na sey nito, “Huwag na lang, mudra pa rin naman siya ng mga dyunakis namin.”

Ang nakakaloka, mismong ang dating dyowa niya ang proud sa kanyang kataksilan. “Naku, kulang na lang, eh, pangalanan niyong hitad na  ‘yon kung kanino niya ipinagpalit ang komedyanteng dyowa niya, ‘no! Maging proud pa ba sa isang bagay na kasuklam-suklam?!”

Da who ang komedyanteng itey na kung tutuusi’y napakabait na rin to think na siya na nga ang niloko ay siya pa itong marunong magpakumbaba?

READ MORE:  Publicist cum manager, tinalakan ang isang TV station nang ‘di isinama ang alagang actor sa pagbabalita
READ MORE:  Sarah sa planong pagpapakasal nila ni Richard — Darating din tayo riyan

Itago na lang natin siya sa alyas na Alden Sedilla.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved