Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, hindi magnanakaw sa kabang-yaman (sakaling tumakbo sa darating na eleksiyon)
Kris, hindi magnanakaw sa kabang-yaman (sakaling tumakbo sa darating na eleksiyon)

Kris, hindi magnanakaw sa kabang-yaman (sakaling tumakbo sa darating na eleksiyon)

ANG itinakdang susunod na electoral exercise ay sa barangay/Sangguniang Kabataan sa May 14, na nakasanayan nang idinadaos tuwing Oktubre.

Huwag lang magbagong muli ang isip ni Pangulong Duterte, as we all know ay mataas ang lebel ng emosyon tuwing barangay polls. Kadalasan pa nga’y daig nito ang ingay at intensity kapag pinag-uusapan na ang pambansang halalan.

Nabuhay muli ang balitang pagtakbo ni Kris Aquino sa pagka-Senador in 2022 during which ay bababa na ang administrasyon ni Duterte. Nabuhay dahil ang pagpalaot ni Kris sa mundo ng politikang kinagisnan niya’y hindi na bago sa ating pandinig. Ilang nagdaang eleksiyon nang umuugong ang tsikang susunod siya sa yapak ng kanyang ama’t ina at Kuya Noynoy.

READ MORE:  Lamay ni Kuya Germs, pinakamalaking pagtitipon ng mga star

At bakit naman hindi?

‘Di tulad ng karamihang naluklok sa iba’t ibang puwesto at nakalasap ng kapangyarihan ay nakatitiyak na tayo—contrary sa isang basher na pinatulan niya—na hindi magnanakaw si Kris sa kabang-yaman ng gobyerno.

READ MORE:  Kris, tumulong pa rin sa mga may breast cancer patient kahit may pinagdaraanan

Hindi siya matutulad sa mga kilala nating personalidad sa politika na ang tingin sa kanilang trabaho’y walang iniwan sa negosyong maaaari nilang ikayaman, at hindi public service.

Huwag na tayong magbolahan at magbulag-bulagan.

Isang masyupal ang fezlak na pinapanagot sa kasong pandarambong ay balitang tatakbo uli sa isang pambansang puwesto.

Parang wala namang kadala-dala ang taong ‘yon. Maikalawang beses na siyang na-prosecute sa parehong kaso, heto’t gusto na namang tumakbo?

Para ano? Para kinalaunan ay harapin na naman niya’t managot sa pareho na namang kaso?

READ MORE:  Kris, bucket list ang maging brand partner at endorser ng Ayala Corp.

Anyway, marami pang posibleng mangyari between now and 2022. Pero hindi pa man, Kris—kung kami ang tatanungin—ay nakatitiyak nang ise-shade namin ang hugis itlog na bilog sa aming balota opposite her name in the senatorial lineup.

Hindi man nagtapos si Kris bilang magna cum laude, walang sinuman ang maaaring magsabi na isa siyang magnanakaw!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top