Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Vargas bagong pangulo ng POC (Peping goodbye na sa Olympic)
Vargas bagong pangulo ng POC (Peping goodbye na sa Olympic)

Vargas bagong pangulo ng POC (Peping goodbye na sa Olympic)

MATAPOS ang 13 taon, may bagong Pangulo na ang Philippine Olympic Committee.

Ito ay matapos daigin ni Ricky Vargas si incumbent President Jose “Peping” Cojuangco Jr., sa ginanap na re-eleksiyon kahapon sa Wack Wack Golf and Country Club sa lungsod ng Mandaluyong.

Umiskor ng 24 boto ang pinuno ng Association of the Boxing Alliance in the Philippines na si Vargas mula sa mga opisyal ng National Sports Associations (NSA) upang mahalal bilang pinakabagong pangulo ng POC laban sa 15 botong nakuha ni Cojuangco.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng bagong Pangulo ang naturang komite simula nang maupo si Cojuangco noong 2005.

READ MORE:  POC elections tuloy na sa 23 Pebrero

Magugunitang noong nakaraang Nobyembre ay tumakbong walang kalaban ang 83-anyos na si Cojuangco sa eleksiyon matapos ang diskuwalipikasyon ng POC kay Vargas.

Bilang hakbang, nagsumite si Vargas ng kaso sa Pasig City Regional Trial Court at pinalad na makakuha ng suporta noong nakaraang buwan.

Idineklara ng hukom na si Maria Gracia Cadiz-Casaclang ng Pasig RTC Branch 155 na walang bisa o “null and void” ang nakaraang eleksiyon at nag-utos na magkaroon ng panibagong halalan na ginanap kahapon at nagwagi si Vargas.

READ MORE:  Vendor pinukpok sa ulo ng drug pusher

Panalo rin ang katambal ni Vargas na si Abraham “Bambol” Tolentino ng Integrated Cycling Federation of the Philippines kontra kay Ting Ledesma ng Philippine Table Tennis Federation bilang POC Chairman.

Bunsod nito, nangako si Vargas ng pagbabago sa Philippine sports at iniaalay ang kanyang tagumpay sa lahat ng atletang Fiipino at sa Philppine Sports sa kabuuan.

Matapos ang kontrobersiyal na kaganapan sa POC, nanawagan si Vargas na ayusin ang hindi pagkakaunawaan ng lahat ng opisyal at magkaisa para sa ikabubuti ng mga atleta at sa hinaharap ng Philippine sports lalo sa international scene.

READ MORE:  Tiwaling emission testing center imbestigahan

Bilang unang hakbang ay nakatakdang makipagpulong si Vargas kay Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez at Senator Allan Peter Cayetano.

Ang isa sa mga chief backers ng Philippine Sports lalo sa basketball na si Samahang Basketbol ng Pilipinas Chraiman Emeritus Manny V. Pangilinan ay nangako agad ng seed money na P20 milyon para sa bagong simula ng POC.

Kasama ang PSC, unang magiging hamon para kay Vargas at sa POC ang pag-host ng Filipinas ng prestihiyosong Southeast Asian Games (SEAG) sa 2019.

(John Bryan Ulanday)

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved