Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / The Good Son, magtatagal pa
The Good Son, magtatagal pa

The Good Son, magtatagal pa

ISA pang pinag-uusapan ngayon ay ang seryeng The Good Son na napapanood pagkatapos ng La Luna Sangredahil sa pag-amin ni Nash Aguas bilang si Calvin na siya ang pumatay sa daddy nila (Albert Martinez).

Halo-halong reaksiyon ang nababasa at narinig namin tungkol kay Calvin, maraming naawa dahil nga may sakit siya kaya niya nagawa ang mga bagay na hindi niya gustong gawin.

May mga nagagalit naman kay Olivia (Eula Valdez) dahil maski dilat na sa katotohanan ang lahat ay pilit pa rin nitong ipinagtatanggol ang bunsong anak na lumalabas na mas mahal niya si Calvin kompara kay Enzo (Jerome Ponce) na nawalan ng ama.

READ MORE:  Sweet, aminadong may apat na regular sexmates

Inakala namin na matatapos na ang The Good Son dahil nga nalantad na ang lahat kung sino ang pumatay kay Edward Buenavidez at base na rin sa pahayag sa amin noon ng business unit head ng programa na si Erik Saludna hindi ito extended.

Pero nabalitaan namin na tatagal hanggang Abril ang The Good Son at tinanong ulit namin kay Erik nang makasalubong namin siya sa ELJ Building kamakailan at inamin nga nito, pero hindi na niya binanggit kung bakit pa.

READ MORE:  Diego at Sofia, nagka-ayos na bilang magkaibigan na lang

Hmm, hindi nga kaya may twist ang kuwento at hindi si Calvin (Nash) talaga ang killer?

Ang hula namin noon ay si John Estrada bilang si Anthony ang pumatay sa kuya niya dahil nga sa inggit na mas successful kaysa kanya, pero nawala ang tutok ng kuwento sa kanya at napunta sa magkapatid na Joseph (Joshua Garcia) at Obet (McCoy de Leon) dahil gusto nilang gumanti.

Hanggang sa napunta na kay Dado (Jeric Raval) ang sisi dahil nabalitaang kabit siya ni Olivia (Eula) at may anak sila, si Calvin (Nash).

READ MORE:  Atty. Topacio, ‘di raw sinabing mukhang kabayo si Dani

Pinagdudahan din ng manonood si Dona Matilda dahil nga baon ito sa utang at gustong bawiin ang negosyong pinaghirapan ng namatay na asawa.

Ang tanong ng manonood, posibleng si Anthony ba ang pumatay sa kuya niya para tuluyan nitong makuha ang negosyo at makapagsimula na sila ni Raquel (Mylene Dizon) ng bagong buhay?

Dalawang buwan pa ang itatakbo ng The Good Son kaya mahaba pa ang aabangan ng viewers nito kung sino talaga ang killer.

Ikaw Ateng Maricris, sino hula mo?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved