Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Morenong actor, nahuling katukaan ang tsimi-aa
Morenong actor, nahuling katukaan ang tsimi-aa

Morenong actor, nahuling katukaan ang tsimi-aa

MAHIWAGA rin pala ang morenong actor na ito, ito ang mismong napatunayan ng isang reporter nang minsang magawi sa bahay nito.

Kuwento ng naturang reporter, “Nandoon kasi kami ng mga kagrupo kong reporter para mamasko. Ako muna ‘yung sumilip sa gate kasi sa aming lahat, ako ang pinaka-close sa kanya.”

Hindi naman isang sorpresang pagdalaw ‘yon, inabisuhan na kasi ng aming source ang pagdsadya roon ng grupong umaasang mag-uuwi ng biyaya tutal naman ay Pasko.

READ MORE:  Celebrity, tinabla ng negosyanteng lalaki

“Ilang minuto na kaming nasa labas, as in nasa gate. Pero hindi kami nilalabas ng actor na ‘yon gayong knowing naman niyang naroon na kami. So, ang ginawa ko, since ‘di naman naka-lock ‘yung gate, pumasok na ‘ko sa garahe, sabay sinisilip-silip ko na lang siya sa bintana,” tsika pa nito.

READ MORE:  Toni, nalungkot sa pagkaudlot ng Written In Our Stars

Naloka na lang ang reporter na mabuti na lang at hindi napagkamalang miyembro ng Akyat-bahay Gang nang ma-sight niya sa bintana na may kalaplapan ang morenong aktor.

READ MORE:  Male model-starlet, nawala ang lahat ng offers dahil sa sex videos

“’Ay, nawindang ako sa na-witness protection program ko! Ang kaeksena ng lolo mo, eh, tsimi-aa nila!” pambubukelya ng aming source.

Da who ang morenong aktor na itey na napapanood sa isang teleserye? Itago na lang natin siya sa alyas na Jojo Codilla.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved