Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 171 katao hinuli sa Parañaque City (Sa anti-criminality ops)
171 katao hinuli sa Parañaque City (Sa anti-criminality ops)

171 katao hinuli sa Parañaque City (Sa anti-criminality ops)

UMABOT sa 171 katao na lumabag sa iba’t ibang ordinansa ang hinuli sa isinagawang anti-criminality operation ng mga operatiba ng Parañaque City Police sa 16 barangay sa naturang lungsod, kahapon ng madaling-araw.

READ MORE:  Basbas ni Esperon kailangan sa Phil Rise exploration

Ayon kay Parañaque City Police chief, Senior Supt. Victor Rosete, sinimulan ang operasyon dakong 12:00 am sa 16 barangay at 4:00 am ito natapos.

Karamihan sa mga hinuli ay mga nag-iinoman sa pampublikong lugar, na umabot sa 84 katao, 69 menor de edad ang lumabag sa curfew hours, at tatlo ang naglalakad sa kalsada nang walang damit pang-itaas.

READ MORE:  Pagkakaisa himok ni Digong sa Muslim (Sa pagwawakas ng Ramadan)

Kasama rin sa mga dinampot ang siyam katao na may existing warrant of arrest, gayondin ang dalawang lalaki na hinihinalang tulak ng droga, at apat na naaktohan habang bumabatak.

READ MORE:  7 naospital sa condo fire

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved