Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn Bernardo, hinirang na Girl Scout of the Philippines Ambassador
Kathryn Bernardo, hinirang na Girl Scout of the Philippines Ambassador

Kathryn Bernardo, hinirang na Girl Scout of the Philippines Ambassador

HINIRANG bilang Girl Scouts of the Philippines ambassador ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo. Bagay na bagay ang ka-love team ni Daniel Padilla rito dahil dating miyembro rin ng GSP ang aktres.

Base sa video mula GSP FB page, ipinahayag ni Kath sa mga batang member ng GSP ang kanyang kagalakan noong girl scout days niya.

“Dapat na masipag gumawa ng homework, masipag gumawa ng household chores, masipag kapag sa classroom, after you eat, dapat ay itinatabi agad ang pinagkainan n’yo. Dapat mayroon tayong initiative to do things na kahit hindi sabihin sa atin, we gonna do it on our own, kailangan na mas mag-strive harder para mas matuto…

READ MORE:  Vice Ganda, tinalo na ng KathNiel!

“Kailangan maging matulungin… once you grow up, kapag may trabaho na kayo, dapat tumutulong pa rin tayo sa family natin, sa friends natin kung kailangan nila tayo, maraming ways para makatulong and sana hanggang lumaki kayo, ma-empower n’yo ang ganyang character, be helpful,” saad ni Kath.

READ MORE:  Dahil talunan sa ratings game: serye ng isang network kukuha ng maraming publicist para kaliwa’t kanan ang releases

Nabanggit din dito ni Kath ang ilang experience niya noon bilang batang scout. “Ever since I was a kid, super masaya ako na naging part ako ng girl scouts because aside from the camping, I know iyong mga pinaglalaban ng girl scout.

READ MORE:  Direk Cathy, tiniyak: KathNiel, may ibubuga at tatawaging aktor

“I’m really excited to work with this, my new family to promote different type of values to the youth to the kids. Medyo matagal na since naging girl scout ako and I’m willing to learn everything again,” saad ng bidang aktres sa La Luna Sangre.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved