Tuesday , September 23 2025

2 months extension ng Kuwait sa amnesty program samantalahin (Payo ng DFA sa OFWs)

PINAYOHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Kuwait na samantalahin ang dalawang buwan extension na ibinigay para sa amnesty program ng gobyerno ng naturang bansa para makauwi sila sa Filipinas.

Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, base sa ulat ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Vil­la, ang amnesty program ng Kuwait go­vernment para sa mga dayuhang nagtra­tra­baho sa kanilang bansa ay pinalawig ng da-lawang buwan at matatapos sa Abril 2018.

Ang naging hakbang ng Kuwait government ay bunsod ng ka­hilingan ng Filipinas na palawigin ang amnestiya nito para ma-accomodate ang 10,800 manggagawang overstaying sa nasabing bansa.

Aniya, sa pama-magitan nito ay magi-ging maayos ang relas-yon ng Filipinas at bansang Kuwait.

Nasa 3,000 ang nag-apply na overseas Filipino workers (OFWs) at pinagkalooban ng amnestiya ng gobyerno ng Kuwait.

Unang ipinahayag ni Cayetano, dati ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi siya pupunta ng Kuwait kung wala aniyang mapagka­kasunduan at walang commitment  para sa proteksiyon ng mga manggagawang Filipino sa nabanggit na bansa.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia PBBM Protest Rally

Goitia: Kaguluhan Nabigo, Diwa ng Pilipino Nagtagumpay

ANG kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay …

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr. witnessed it firsthand during his visit to Northern Mindanao, …

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

TO ensure that innovative technologies from local research institutions find their way to industry partners, …

One Verse SB19

SB 19 idolo ng One Verse

PROMISING ang baguhang PPop boy group na  One Verse na nasa pangangalaga nina Jhay  Layson, Direk Jaysar Lorayna, Direk …

Bulacan

Sa Bulacan
DAAN-DAAN NAGPROTESTA VS KORUPSIYON

“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!” Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa …